Listen

Description

M&M - Situation Wednesday with DJ Mac and Cathy G. | October 26, 2022

Ano ang gagawin mo kung ikaw si Get?

"Bakit kung kailan hiwalay na kami for more than 1 year ay doon pa niya aaminin ang pagkakamali niya at sasabihin na hindi pala niya kaya na mawala ako? Kung kailan may iba na akong bf ay ngayon pa ako minumulto ng ex ko na inaamin ko na mahal ko talaga kung di lang niya ako biglang ghinost ng 1 month na ni kahit minsan hindi magparamdam. Nagpakita na lang siya na parang multo isang araw para sabihin na "it's not you, it's me, pasensya na". 2 years kami tapos ganun na lang bigla dahil inaswang pala siya ng dati kong tinuring na kaibigan. Sobrang sakit ng ginawa nila pero pinilit kong mag move on hanggang nakilala ko ang bf ko ngayon for 2 months. Mabait naman siya pero feeling ko ngayon ay naging rebound ko lang siya dahil sa sakit na pinaramdam sa akin ng ex ko. Pero sa totoo lang ay hindi talaga ako sure if 100% na mahal ko siya, lalo na't minumulto ako ng dati kong pag-ibig. Sana matulungan niyo po ako. - Get"