Listen

Description

M&M - Situation Wednesday with DJ Mac and Cathy G. | September 29, 2022

Ano ang gagawin mo kung ikaw si Daphne?

"In love ako sa kuya ng bff ko. Pero ayoko saktan ang bestie ko na mula pagkabata ay kaibigan ko na. Ang problema kasi, 2 years ago ay umamin sa akin si bff na mahal niya ako more than friends pero ayaw niya masira ang aming samahan kaya ginusto lang niya na ilabas ang damdamin. Mula naman nun ay napalapit ang loob ko sa kuya niya dahil madalas ako tumambay sa kanila noong pandemic. Magkalapit lang kasi kami ng bahay at friends rin ang mga magulang namin. May mga times kasi na sumasama si bestie sa parents niya pag umuuwi ng probinsya kaya lalo kami nanging close ng kuya niya dahil sinusindo niya ako sa bahay para yayain maglaro ng ML. Hanggang sa tuluyan ng mahulog ang loob ko sa kanya dahil wala siyang pinagiba sa bestie ko na mabait, kalog, caring at gwapo. Ang pinagtataka ko lang ay bakit sa kanya ako na inlove at hindi sa bff ko? Natatakot akong sabihin Ito kay bestie. Sana matulungan nyo po ako. - Daphne"