M&M - Situation Wednesday with DJ Mac and Cathy G. | December 14, 2022
Ano ang gagawin mo kung ikaw si Bless?
"Papaano po ba malaman kung ang isang tao ay guilty? Sa anong paraan ko ba siya mahuhuli at mapapaamin sa isang kasalanan na nahuli kong ginawa? Kapag kinakausap at tinatanong ko kasi siya ay para siyang maamong tupa na hindi mo talaga mahahalata na may kasalanan dahil sa galing niyang umarte. Ang problema pa ay walang ibang nakakita sa kanya kundi ako. Nagkataon kasi na sa araw na yun ay bigla akong nagiba ng daan, at saktong lumabas siya sa isang motel. Wala siyang kasama paglabas pero bakit siya nandun ang tanong. Todo naman ang deny niya na pumunta siya sa motel. Iba kasi ang naramdaman ko nung makita ko siya, imbes na pinara ko ang jeep ay dumerecho ako para unahan siya sa bahay. Praning lang kaya ako? Ngayon kasi ay nagtatampo siya sa akin dahil kung ano ano raw binibintang ko sa kanya. Ano pa kaya ang magagawa ko? - Bless"