M&M - Situation Wednesday with DJ Mac and Cathy G. | November 9, 2022
Ano ang gagawin mo kung ikaw si Jim?
"Tawagin niyo na lang akong Jim. Alam ko na karaniwan na ang mahalin ang isang tao na higit pa sa pagiging kaibigan. Pero ganun ang nararamdaman ko para kay Anne. Hindi ko siya bff pero matagal na kaming mag tropa. Close kaming apat na magkakaibigan pero walang nakakaalam na tatlong beses na may nangyare sa amin ni Anne. Ang buong akala ko ay malalim narin ang nararamdaman niya para sa akin. Pero nang aminin ko sa kanya na mahal ko na siya ay natawa lang siya at sinabing wag ko raw sirain ang pagkakaibigan naming apat. Sapat na raw sa kanya ang ganitong set up. Pag magkasama kaming tropa ay hindi na normal ang tingin ko kay Anne. Natatakot akong mahalata Ito ng ibang tropa. Ano kaya ang dapat kong gawin? Aminin ko na ba sa tropa para malaman ko narin kung mahal niya rin ako? Sana matulungan nyo ako."