Nag-Pasko at nag-Bagong Taon nang hindi namin piniling makita ang isa’t isa. Hindi ko alam kung mas iniisip kong natiis niya ako kaysa iniisip niyang natiis ko siya, pero nangyari na ang mga hindi nangyari. Sabi ko, mabuti na rin ang mga ganoong hindi pagkikita, baka nga mas madaling makausad sa bagong taong haharapin. Mahal ko pa rin siya, hindi naman basta-basta mawawala iyon nang dahil lang wala na kami. Naisip ko na kaya nga siguro ako nasasaktan sa mga isinusulat, kaya patuloy na nagsusulat kahit nasasaktan, dahil palaging nagmamahal kahit nagbabago-bago’t tiyak na patuloy na magbabago ang lahat.
✨HIGHLY RECOMMENDED ✨ Binanggit ko rito sa episode ang pagbabasa ko sa mga libro ni Yoko Ogawa na THE MEMORY POLICE [https://shp.ee/9x7jsb3] at REVENGE [https://shp.ee/9svc36j]. Pinakapaborito ko namang Murakami novel ang A WILD SHEEP CHASE [https://shp.ee/cafk6bj] [https://tinyurl.com/AWildSheepChase] **dahil sa masinop at payak na paghawak sa ligalig dito at mainam na introduksiyon sa mga libro niya, sa palagay ko. Pero nakaimpluwensiya nang malaki sa mga una kong kuwento ang HARDBOILED WONDERLAND & THE END OF THE WORLD [https://shp.ee/u4dz8xj], lalo na nang sinulat ko ang maikling kuwento kong "Project: EYOD" na nanalo sa Palanca noong 2003. Subalit para sa higit na mga ambisyoso niyang proyekto, maaaring dumiretso sa KAFKA ON THE SHORE [https://shp.ee/tn7byvj] **o THE WIND-UP BIRD CHRONICLE [https://shp.ee/tp54j63], na hinihintay ko pa ring maisalin nang buo sa Ingles.
DISCLAIMER: The views and opinions expressed by the podcast creators, hosts, and guests do not necessarily reflect the official policy and position of Podcast Network Asia. Any content provided by the people on the podcast are of their own opinion, and are not intended to malign any religion, ethnic group, club, organization, company, individual, or anyone or anything.