Listen

Description

Napakabilis natapos ng Pebrero, parang kung gaano kabilis matapos ang mga totoong nagpapasaya sa atin. Sa sobrang dami ng nangyayari, hindi ko na alam kung pagod ako pero masaya, o masaya ako pero pagod. May mga araw na hindi ko rin talaga alam kung ano na nga bang pagkakaiba ng takot at pagod. Nasa panahon tayo na ang mga puwede ay hindi na laging puwede, o hindi na talaga puwede, pero mabuti na lang, puwede pa rin namang malungkot, at puwedeng makinig ng kanta nang mag-isa, puwedeng magsulat at magbasa, at puwedeng hanap-hanapin kita nang sobra-sobra. Kung bakit sa tuwing sinusubukan kong bitiwan ka, ako ang patuloy na nahuhulog.

✨HIGHLY RECOMMENDED ✨ Binanggit ko rito sa episode ang pagbabasa ko sa mga libro nina Paolo Tiausas at Jannsen Cunanan. Maaari silang direktang kontakin sa Twitter para bumili ng kanilang mga libro sa @paolotiausas at @arnibaluprising. Maaari rin ninyong i-search ang bagong libro ni Pao na LAHAT NG NAG-AANGAS AY INAAGNAS sa Shopee [https://shp.ee/28h683p].

DISCLAIMER: The views and opinions expressed by the podcast creators, hosts, and guests do not necessarily reflect the official policy and position of Podcast Network Asia. Any content provided by the people on the podcast are of their own opinion, and are not intended to malign any religion, ethnic group, club, organization, company, individual, or anyone or anything.