Hindi ko alam kung nakakatuwa o nakakatakot na parang ang daming nagbago mula noon pero parang wala rin naman talagang nagbago. Nagsusulat hindi dahil may lumilisan. Nagsusulat dahil may mga hindi tayo iniiwan. May mga nagdaang di man lang nagpaalam na lilisan kaya para tayong laging naiiwang nakalutang sa kawalang-katiyakan. Kaya kung minsan, parang nag-aalangan ako sa mismong laya ko na makapagsulat pa rin sa araw-araw.