Listen

Description

Hindi naman sa pagmamayababang, pero maraming hindi nakakaalam na ang Gamesilog ay nakabili recently ng isang private island na gagawin naming tambayan at HQ habang naka lockdown. Kaya ngayong ECQ, Niyaya namin si Archer papunta sa aming isla para mag chill sa aming mala boracay na dagat, pinakilala sa aming mga kaibigang oso at tinour sa aming private museum, na madaming buto ng dinosaur fresh from our own island. (opo, may legit dinosaur bones kami dito)



Bored ka na dyan sa bahay nyo? tara! sama ka samin! Sunduin ka na lang namin sa checkpoint sa lugar nyo, may eroplano naman tayo papunta sa island. Make sure lang na mag dala ng alak at sariling face mask. Liquor ban kasi at wala na rin kaming stock ng mask.



P.S: Animal Crossing po ang tinutukoy namin 😄🤪.



On this episode, pakinggan nyo ang aming review ng isa sa mga pinaka sought after na game ngayong quarantine season sa Nintendo Switch, Animal Crossing: New Horizons.



Many thanks to Archer for guesting on our show! Pakinggan nyo din ang bago nyang podcast, "Ang Cheezy Naman!' at ang "Arrow Arrow Podcast".

Arrow Arrow Games Podcast: https://open.spotify.com/show/4ioAFrwN55xh3Nchql1HKN

Ang Cheezy Naman: https://open.spotify.com/show/5iTLYSWK1Wj4yeEkoMJ85w