Bilang gamer sa Pinas, o kahit nga hindi gamer e, napaka imposibleng wala kang experience sa computer shop. Kahit 'yung simpleng:
"Ate pa-print po"
"Sige, sa PC 5 na lang. Paki-save sa my docs"
or
"Kuya, i-extend ko na po 'yung sa PC 3 nang limang piso"
or
"Ate, saang PC may Ragna?"
At marami pang iba.
Pusta, lahat tayo may maiku-kwento tungkol sa computer shop.
Kung batang 90's ka at pinanganak noong mid to late 80s, tayo 'yung unique na generation na naka-experience ng transition mula sa mundong walang internet hanggang sa nagkaroon. Mula sa mabentang mga console rentals at computer shops hanggang sa, ito na nga, malungkot man aminin pero hanggang sa namatay narin ito at hindi naging mabenta sa tao. So tara, mag-reminisce tayo ng mga memories natin sa computer shop.
Game? game!