Noon, kapag nagyayabang tayo sa mga kaibigan or kaklase na natapos natin si Hunk or Tofu sa OG Resident Evil 2, walang ibang way para patunayan maliban sa ipakita 'yung save file or laurin ulit mismo 'yung game habang nanonood sila. Wala tayong way para i-confirm kung talaga bang natapos ng kapwa gamer natin 'yung Dodge Ligtning or Chocobo Racing sa Final Fantasy X or kung na-100% niya talaga 'yung game na siya mismo ang gumawa.
Ngayon dahil sa Trophy, madali na lang lahat. Madali nang i-check kung talk shit lang ba si tropa o talagang totoo 'yung kinu-kwento niya. Pero hindi lang diyan natatapos ang pag-collect ng Trophies sa game. Hindi lang basta digital proof ito ng achievements natin sa mga larong natapos. Mas malalim at mas malawak na mundo pa ito sa ecosystem ng PlayStation.
Para mas maintindihan namin/natin itong hobby na ito, nakipag-kwentuhan kami kay Jay Bertol ng PlayStation Trophy Hunters Philippines na may mahigit 350+ Platinum Trophies. Grabe, nanliit 'yung 10+ na Plat namin.
Tara! Kwentuhan tayo tungkol sa trophies.
Game? Game!