Listen

Description

Part na ng video games ang mga boss at boss fights. Kadalasan, bago ka makapunta sa susunod na stage, kailangan mo muna matalo 'yung boss ng stage na 'yon. Pati na rin sa last level or final stage bago mo matapos 'yung game, kailangan mo muna matalo 'yung final boss. And the feeling of finally defeating a certain boss after x numbers of tries ay priceless.



Pero maliban sa difficulty, ano pa ba ang mga criteria para masabi na malupet ang isang boss? Sa character design? Sa back story niya? Iyong mismong laban? OST? Or basta sa pagiging literal na pure evil lang?

Sa episode na 'to, guest namin si Ardee na matagal na rin listener ng show. Nagbatuhan kami ng aming Top 5 Video Game Bosses. Draft style muna bago namin ni-rank 'yung limang picks namin. Sobrang solid. Ikaw? Sino-sino ang Top 5 Video Game bosses mo?



Tara. Game!

Also, may blogs rin si Ardee. Reviews about video games and kdramas. Here's the link: https://rdcsmr.blogspot.com/