Listen

Description

“HADOUKEN!!!!”



Pusta. Ginawa mo rin ‘to tapos inimagine na may lalabas talagang energy ball kaso bigla kang sinoryuken ng kalaro mo na mas posibleng gawin sa totoong buhay kaya tinamaan ka sa panga. Aray! Iyak-tawa. Good times!



Isa ang Fighting Games sa mga genre na wala kaming alam ni Dell. Oo, may mga nalaro rin kaming Fighting Games tulad ng Dragonball Final Bout, Pocket Fighters, Mortal Kombat, Tekken , Marvel Versus Capcom, at marami pang iba pero masasabi kong casual lang kami. Button masher kumbaga.



Tara!



Samahan niyo kami nila Tracer1 ng PlayStation Philippines para i-discuss ‘yung mga technicalities sa genre na ‘to at kung sino ang bias namin sa Red Velvet.



Game? Game!