Kumusta mga Bayaning Puyat? Naka-WFH ka ba? Walk-in? Accommodation? Kahit ano pang set-up mo ngayon, be proud! Isa tayo sa mga industriya na hindi tumigil at patuloy na nagbibigay ng ambag sa ekonomiya ng bansa natin. Kaya naman naisipan namin gawan ito ng episode.
Ito ay mga kwento tungkol sa experiences namin ni Dell mula sa first job after graduation at kung bakit sa BPO namin napili mag-trabaho. Mga kwento sa recruitment, interviews, training, graduation, endorsement sa production at kung gaano ka-sabaw ang first call namin.
Mga kwento tungkol sa type of leadership na nagwo-work sa amin ni Dell. Mga team building, open forum, mga iyakan, mga payo nila Mommy at Daddy, office drama, mga anak ng Diyos na wala namang ambag sa team pero grabe kung makapag-demand at mga in love-an sa floor. Yihee!
Mahigit dalawang oras itong episode so sureball bagsak kami sa AHT. Pero kung nagustuhan mo at nag-enjoy ka, sana bigyan mo kami ng CSAT at commendation. Yung tipong hahanapin mo 'yung supervisor para i-commend kami. Solid no'n. Pero kung DSAT, pwedeng 'wag na lang? Kung okay lang naman. LOL
Game? Game!