Bininyagan akong katoliko at lumaking katoliko. Nag-aral sa catholic school at napapaligiran ng mga debotong katoliko. Pero at some point, bigla na lang akong hindi naniwala sa religion. Hindi ko na maalala kung kailan at bakit. Basta sa isip ko, mabait naman akong tao at paminsan-minsang kinakausap si God, siguro goods na ko. Pero goods na ba talaga ko?
Marami akong tanong tungkol sa faith. Marami akong tanong tungkol kay God. Marami akong doubts. Pero isa ang sigurado ako - na sa lahat ng problemang naranasan ko at kakaharapin ko, laging nandiyan si God para sa akin. Wait! Si Jhaz ka ba? Ilabas mo si Jhaz! Isa kang impostor! Joke lang. Ako nga 'to, si Jhazerine Jzar Paul. Lol
This is a very personal episode and I'm lucky that I have Sam Oh as my guest. Nagkwentuhan kami tungkol sa journey niya sa Catholic faith, kung paano siya nagsimula at kung paano ako posibleng magsisimula ulit.
If you want to reconnect with God but you're feeling lost and don't know where to start kagaya ko, this episode is for you.