Mapapakinggan ang nakakakilabot na pagsasalaysay ni Erming tungkol sa kakaibang nilalang na may ulo ng kalabaw at sa brutal na labanan sa pagitan ni Baki at ng kanyang mga kalaban na mga makapangyarihang nilalang. Habang tila may alam si Tandang Ismael ngunit pinili niyang manahimik, nagdududa ang grupo sa kaniyang katahimikan ukol sa mga nangyayari sa paligid. Samantala, sinusundan nina Kadjo at Alberto ang bakas ni Baki sa gitna ng mga gumuhong pader, kung saan natagpuan nila ang tatlong katawan, dalawa sa mga ito ay patay na at ang isa’y pilit pang gumagapang upang makalayo at mabuhay pa. Handa na ba kayong sumisid sa misteryo, kilabot, pakikibaka at aksyon ng Maharlikang Balaw Episode 7?