Isang tunay na karanasang magbubunyag ng hiwaga, sakripisyo, at paninindigan ng isang pamilyang piniling manatili sa paanan ng nagbabantang bulkang Kanlaon. Pakinggan ang kwento ni Tiago—anak ng isang hilot at albularyo—na sa kabila ng panganib ay patuloy na hinahanap ang mutyang magliligtas at magbibigay ng pag-asa sa kanilang buhay. Masasalamin dito ang tapang ng mga maralita, ang kabutihang nakatago sa gitna ng kaguluhan, at ang kasamaan ng kasakiman na pilit pumipinsala sa kalikasan.