Mapapakinggan ninyo at masisilayan ang matinding labanan ng mga makapangyarihang nilalang sa pagitan ng mga Erito at ng Balaw na nananahanan sa katawan ni Baki na bisa sa ating kuwento. Masilayan at mapapakinggan niyo din kung paano hinarap ni Kadjo ang malupit na Erito at kung paano nagkaroon ng pag-atras si Sidro (isang Erito) sa gitna ng sagupaan. Ang takbo ng kuwento ay umiikot sa laban ng kabutihan at kasamaan—ang mga masasamang Erito laban sa Balaw ni
Baki, ang tagapagtanggol laban sa dilim. Kaya huwag na huwag palampasin ang bawat kagulat-
gulat at nakakapangilabot na eksena at di-makakalimutang tagpo sa episode na ito ng "Maharlikang
Balaw."