Matutunghayan ang nag-iinit na pag-ibig ni Alberto kay Susan na pilit itinatago ni Alberto kay Susan at maging sa mga kapatid niya subalit halata ito ni Kadjo. Maliban sa pag-ibig serye na ito ni Alberto para kay Susan hindi rin matitinag ang kapangyarihan ng Maharlikang Balaw na nananahanan sa katawan ni Baki habang hinaharap niya ang mga Erito (Aswang na may kakaibang kapangyarihan) na mahigpit na kalaban ni Baki at ng balaw na nasa katawan ni Baki. Abangan ang mga masalimuot na tagpong ito ng asaran ng magkapatid na nauwi pa sa pagdidisiplina ni Tatay Juan kay Kadjo. Ito ang yugto ng kwento kung saan pagsasamahin ang pag-ibig, tunggalian, kilabot, at pakikibaka sa buhay at laban para sa katahimikan ng pamilya ni Baki at ni Susan.