Matutunghayan natin ang nakakakilabot na kuwento ng buhay ni PenPen mula sa Negros Occidental, na anak ng isang asog at isang makapangyarihang mambabarang. Malalaman ninyo ang misteryosong kapangyarihan ng kanyang ama na si Ka Tiyago, na kilalang kinatatakutan ng mga aswang at masasamang nilalang sa kanilang lugar. Mula sa mga magulang ni PenPen hanggang sa lahi ng kanilang kapangyarihan, ito ang simula ng isang kakaibang kwentong puno ng hiwaga at kababalaghan. Huwag palampasin ang episode na ito at samahan kami sa pagtalakay sa kahindik-hindik na mga lihim ng pamilya ni PenPen!