Huwag palampasin ang kapana-panabik na “MATANDANG VERTUDES Part 3”, kung saan mas umiinit ang kwento sa paglipat ng anting-anting at baston ni Lolo Rogelio kay Teroy.
Sa kauna-unahang pagkakataon, haharap si Teroy sa kanyang bagong tungkulin habang gabay nila ang mga tikbalang sa isang labanang puno ng misteryo at kapangyarihan. Matutunghayan dito ang nakakagulat na kahinaan ni Lolo Rogelio at ang paglitaw ng isang di-kilalang lalaki at iba pang mga kontrabida sa kuwento na magdadala ng mas malaking banta sa buhay nina Teroy, Lolo Rogelio, at iba pang mga kasamahan.
Isang kwentong puno ng tensyon ang episode na ito, kagila-gilalas na detalye ang inyong mapapakinggan, at matinding aksyon na magpapatanong sa inyo: handa na ba si Teroy na magpatuloy sa naiwan ni Lolo Rogelio?
#angninuno #pinoytruestory #newepisode