Sa isang baryo sa Negros kung saan ang kapangyarihan ay hindi lang nakikita kundi nararamdaman, isinilang si Isigani—ang pinakadakilang antingero na hindi pa niya mismo natutuklasan.
Sa pagitan ng pagkakaibigan at paghahangad ng kapangyarihan, isang matinding pagsubok ang haharapin nila ni Luna, na nagnanais maging pinakamalakas sa lahat. Ngunit sa daigdig ng mga antingero, hindi sapat ang lakas—dapat mong malaman kung kailan ito gagamitin at kung sino ang tunay mong kalaban.