Mas lalalim ang misteryo at mas titindi ang laban, dahil ngayon ay haharapin ni Konstantino ang nilalang na nasa loob ni Asado—si Amatea, isang makapangyarihang espiritu na may kakayahang baluktutin ang panahon at dalhin siya sa madilim na lihim ng Vatican City.
Sa paglalakbay nila sa nakaraan, matutuklasan ang kwento ni Amelia, isang babaeng hinatulan ng simbahan bilang mangkukulam, ngunit sa likod ng kanyang pagkakakulong ay isang lihim na maaaring magpabago sa kasaysayan. Sa bawat kasunduang pinapanday sa dugo at kaluluwa, sino ang tunay na kakampi at sino ang traydor sa anino ng nakaraan?