Listen

Description

Matutunghayan ang isang madilim na laban sa pagitan ng tao at demonyo—isang kwentong puno ng misteryo, pagsubok, at pananampalataya kung saan ang selyo ng kasamaan ay maaaring magpahina o magpatibay sa loob ng isang nilalang.

Habang sinusubukan nina Konstantino, Nimrod, Padre Gener, at Andrea na labanan ang pwersa ng dilim, isang mas malaking panganib ang nagkukubli sa loob mismo ng katawan ni Andrea, isang banta na maaaring magpahamak sa kanila lahat.