Kilalanin si Aryang, 81 anyos mula Mindoro, ang kwento ng kanilang lahing magtatawak na lumalaban sa kamatayan gamit ang itim at puting bato ng panggagamot. Sa bawat kagat ng ahas, aso, o hayop na nakamamatay, lumalaban ang kanilang pamilya gamit ang mga anting-anting at mutyang kinuha sa sagradong gubat ng mga ahas at diwata.
Masdan kung paano hinaharap ng kanilang angkan ang mga bangkilan, mambabarang, at nilalang ng dilim—mga kalabang hindi kayang talunin ng ordinaryong lakas kundi ng tapang, pananampalataya, at taglay na agimat.