Tunghayan ang makatotohanang kwento ng kabayanihan ni Ador, sa lihim na karunungan, at pakikidigma laban sa mga puwersang dilim na sumasalakay sa Villareal, Samar mula pa noong 1958.
Pakinggan kung paanong si Ador, gamit lamang ang pinausukang kawayan at langis, ay gumagamot sa mga biktima ng aswang, barang, at lason, at hindi basta nagpapauwi hangga’t di lubos na napagaling ang kanyang kliyente. Sa kanyang likod ay may mga lihim na kasangga at kalabang angkin din ang kapangyarihang maaaring pumatay, ngunit sa puso ng kwento ay isang lalaking piniling magligtas kaysa manakit.