Tunghayan ang isang misteryosong kuwento ng pagsunod, sakripisyo, at pagtuklas sa isang lahing pinaniniwalaang may kakaibang kapangyarihan sa liblib na bahagi ng Minoyan, Negros Occidental noong dekada ‘70. Sa podcast na ito, maririnig mo ang buhay ni Ranie na ginapos ng utos ng amo at ang ugnayan niya sa mahiwagang angkan ng mga Abu-Abog— mabubuti nga ba sila o may itinatagong lihim na panganib?