Ay isang nakakapanindig-balahibong kwento ng pagsubok, kasakiman, at misteryong bumabalot sa isang lupain na tila may itinatagong lihim, batay sa tunay na karanasan ni Kuya Masi noong 1990 sa Molave, Zamboanga del Sur.
Sa episode na ito, maririnig ng mga tagapakinig kung paano ang tahimik at masaganang buhay ni Kuya Masi bilang isang masipag na magsasaka ay biglang nagulo nang magsimulang magpamalas ng matinding galit ang anak ng kanyang amo—isang galit na may mas malalim palang dahilan kaysa simpleng alitan.