Listen

Description

Dahil nga nagbagong bihis na naman ang inyong Tita, muli na naman nyang ibinabalik ang mga serye na ginagawa nya noon. Isa na nga sa mga nagbabalik galing sa hukay ay itong serye na "Chismisan sa Batis". Gaya ng mga naunang episode ng Chismisan sa Batis, ipinatawag na naman ng inyong Tita ang kanyang mga kapwa chismoso't chismosa para sa isa na namang episode na hindi naman makakatulong sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa episode na ito, nagpalitan sila ng kuru-kuro tungkol sa mga Instagram story ni Clint Bondad, ang dating kasintahan ni Miss Universe 2018 Catriona Grey. Tinangka din ng Tita nyo at ng kanyang mga guest na payuhan si Clint kahit hindi naman ito humihingi. Pakinggan nyo ang isa na namang episode na hindi nyo pa rin kapupulutan ng aral kasi nga chismisan lang ito.


Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.