Isa na namang episode na punong-puno ng spoilers ang hatid sainyo ng inyong Tita. Dahil nga isang linggo na after the finale ng series na It's Okay To Not Be Okay, handang-handa na ang inyong Tita na itodo ang pagiging feelingera. Gaya ng mga nakaraang review episode, inilatag na naman nya ang sa tingin nya ay strengths ng series at ang mga hindi nya masyadong nagustuhan. Magmula sa mamahaling damit ni Ko Moon-young na hindi nya alam kung hand wash or machine wash, hanggang sa mga pasabog na plot twists- lahat 'yan inusisa n'ya. Kaya kung hindi mo pa napanood ang series, then lumayo-layo ka muna sa podcast na ito, dahil halos na kwento na naman ng Tita nyo ang buong story sa episode na ito.
Got questions, suggestions, or comments?
Twitter: https://twitter.com/TalksTita
Facebook: https://www.facebook.com/TitaTalksPodcast
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.