Listen

Description

Bilang selebrasyon ng Buwan ng Wika, sinubukan nina Kanser at Kuan na iwasan ang salitang Ingles at gumamit ng purong Tagalog. Bukod meron din silang bista na isang manunula na napulot nila sa Internet. Ito'y walang iba kundi si Talinghaga ni Rance.

Isa sa adbokasiya ng PMP ang tumulong sa mga artist or taong karapatdapat mabigyan ng pansin lalo na't meron itong kamangha-manghang talento (kahit di ganun karamihan ang aming listeners).

Sinubukang maging seryoso nina Kanser at Kuan sa talakayan, subalit di nila maiwasan ang pagiging ogag, mabuti na lang masayahin din ang kanilang espesyal na bisita dahilan para maging masaya't makabuluhan ang isa na namang kabanata.

Tara at sama-sama nating pakinggan ang makabagbag damdaming tula ni Talinghaga ni Rance, na talaga namang kukurot sa ating mga damdamin. Paano kaya ito babasagin ng dalawang host.

Alamin yan sa makatang memepisode dito lang sa Pinoy Memeology Podcast!

Follow Talinghaga ni Rance!

FB Page: https://www.facebook.com/profile.php?id=100095073006667

______

Sa mga gustong magbigay ng donasyon, ito ang numero namin sa Globong Perang Hawak (Gcash): 09157992060


Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.