Welcome sa unang kabanata ng Betrogan Conspirasy Theory kung saan papanindigan namin ang stigma na "Wirdo ang pinag-uusapan sa Podcast."
Kaya naman sa memepisode na ito napili naming pag-usapan ang tungkol sa Atlantis, ang lumubog na lumang sibilisasyon.
Pinilit nina Kanser at Kuan kasama ang paborito nilang co-host na si Two More aka Lorence Segismundo na maging seryoso at gawing educational ang usapin. Pero dahil brand na namin ang maging ogag at lapuk, from Atlantis napunta ang usapan sa conspiracy about sa mga Badjao.
Anong meron sa kanila?
Tara sama-sama natin itong alamin sa nakakalunod sa tawang memepisode, dito lang sa Pinoy Memeology Podcast!
Disclaimer: Lahat ng ito ay purong katuwaan lang. Wala kaming balak manapak ng ano mang lahi, gender o kahit ano pa man. Ang intensyon lang namin ay magpatawa. Salamat!
___
Sa mga gustong sumuporta sa pamamagitan ng donation, ito ang gcash number namin: 09157992060
Pwede rin sa aming Ko-fi page: https://ko-fi.com/pinoymemeologypodcast
Salamat na agad!
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.