NAKAALIS NA sina Mr. Rodrigo patungong presinto. Pero hindi pa rin natulog sina Gino. Nag-uusap silang apat sa sala. Ubos na ang kanilang mga haka-haka tungkol sa pagkawala ni Dayo. Pilit na iniisip nina Gino ang mga pag-uusap nila. Hinihiwalay nila ang katotohanan mula sa tsismis. Natigil bigla ang kanilang usapan nang bumalik si Monalet. Hindi naman ito umimik. Dumaan lang at tumuloy na sa kusina.
Support this podcast: https://anchor.fm/b1-gang/supportHosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.