Policarpio Street - isang kalye na matatagpuan sa lungsod ng Mandaluyong. Sa tuwing sasapit ang panahon ng kapaskuhan taon-taon, dinadagsa ang kalyeng ito ng mga turista upang masilayan ang mga nagniningning at makukulay na mga Christmas lights at magagarang palamuti.