July 28, 1963 - Bumagsak sa Arabian Sea, sa bahagi ng bansang India, ang eroplano ng United Arab Airlines Flight 869. Patay ang lahat ng 63 sakay nito, kabilang na ang 8 crew ng eroplano. Kasama rin sa mga nasawi ang 24 na miyembro ng Boy Scouts of the Philippines, na dadalo sana sa 11th World Scout Jamboree sa bansang Greece.