Listen

Description

"kung ba't ako nagkagan'to ikaw ang salarin/ imahe mo ang nakikita ko 'pag nasa salamin/ medyo bata pa'ko no'n at itinuring kitang guru/ ginaya ko lahat pati pag suot mo ng fubu/ at ang maging makata sa likod ng mikropono/ ay pinangarap para masundan ko ang trono mo/ pinanood bawat pelikula mong ipinalabas/ pinakinggan lahat ng obra at walang pinalampas/ nagpaka dalubhasa hanggang sa pagka binata/ subaybayan ang buhay mo'y naging panata/ kaya halos mapa sigaw no'ng akin nang malaman/ na ikaw ay nagtataglay ng malubhang karamdaman/ at ang tyansa upang malunasan ay maliit/ kasi ang lason sa iyong dugo'y sadyang madikit/ "pa'no na 'to?" 'yan ang tanong ko sa isipan/ ano ang gagawin kapag tuluyan kang lumisan?/ sino ang pagkukunan ko ng kaalaman dahil kulang.../ pa ang lahat ng aking natutunan/ pero imbis panghinaan ng loob nagsanay araw man o mapa gabi/ at umaasang sa sakit 'di ka magpapa gapi/ aabutan kita! kaya ako nagmamadali/ na makilala no'n nang makilala mo pagbalik.../ mo sa eksena, makasama sa awitin/ sulitin, at 'pag nagkataon ay ulitin/ masabi sa sariling nagawa ko sa wakas/ na makuha ang sagrado mong basbas/ subalit nanatiling pangarap at ilusyon nalang lahat/ sapagkat ikaw ay namaalam kaagad/ labis ang pagka lumbay nang ikaw ay namatay/ kasi 'di manlang tayo nagka daupan ng kamay/ ang tagal kong nag antay pero ba't kasing bilis.../ (sound fx) ng tunog na'to ang iyong pag alis/ kainis, mas malakas sana ang rap kung merong ikaw/ na magdadala sa tamang landas upang 'di maligaw/ biruin mo si Mike Swift nagpa hiphapan fest?/ at kasama ko ang Mula Etivac na nag guest/ si Beware, si Krazykyle, si Loonie at si Ron/ pati Mastaplann at iba pa, lahat ay nandoon!/ mga kawal mo at taga sunod na maaring.../ magbuklod, lumuhod at magbigay pugay sa hari/ palakpak ang iaalay imbis na pag iyak/ at tiyak, yun ay pangungunahan nitong si Gloc.../ o ni Pikaso, mawawalan ng dibisyon/ hindi lang sa radyo kundi pati sa telebisyon.../ ay tanggap na ang ating musika kung 'di putol ang puno/ magbubunga pa lalo at madami ang tutubo/ mula sa ugat ng isang alamat.../ na tunay, kulay kayumanggi ang balat/ YO! THE MOUTH, FREEman FROM MANILA/ PAMBIHIRA KA aka MAGALONA/ MERON AKONG ANO, MERON AKONG KWENTO/ it's been COLD SUMMER NIGHTS at ITO ANG GUSTO KO/ GOTTA LETCHA KNOW that we all got a WHOLE LOTTA LOVIN/ for THE ODDVENTURE OF MR. COOL who had a HAPPY BATTLE/ TAYO'Y MGA PINOY maaasahan.../ lahat ng KABATAAN PARA SA KINABUKASAN/ salamat sa inspirasyon at nangibabaw.../ na mahalin ko ang TATLONG BITUIN AT 'SANG ARAW.../ walong sinag, na kahit kailan ay hindi natinag/ sa pamumukol ng mga banyaga ay naka ilag/ Pilipinas! kung saan magpa hanggang bukas/ ang pag gunita sa'yong kasaysayan ay 'di kukupas/ dahil sa iniwan mong mabuting impluwensya/ ay nabawasan ang kumpitensya/ watak-watak dati ang pananaw, panay alitan/ nagkakanya-kanya ng galaw at may pagitan/ ngunit kami'y nakatawid , nagsilbi kang tulay/ sa puso't isipan namin ay palagi kang buhay/ tulang ito'y naisip kong gawin, kasi.../ alam kong naririnig mo'to, ako ay sagutin/ gusto lang naman kitang kumustahin/ nararamdaman ko kasi nandito ka parin/ ginagabayan kaming mga gustong abutin.../ ang pangarap, at masundan ang iyong mga bakas/ ikaw ay nagmamasid lamang mula sa taas/ kuya Francis nandiyan ka ba?/ nawa'y masaya ka diyan sa piling ni ama/ magkita nalang siguro tayo 'pag oras ko na/ hunnid percent pinoy at wala 'kong pagsisisi/ kaya MGA KABABAYAN i'm rockin' FMCC!"

Written & Performed by FREEK
https://www.facebook.com/FilipinoRealestEmceeEndedupKing/
https://www.facebook.com/noel.freek.aro
Mix & Mastered by NIG/MakatahananRecords
https://www.facebook.com/LilNigSaballaMKTHNN
https://www.facebook.com/MakatahananMKTHNN
Like:Mula Etivac
https://www.facebook.com/MulaETIVAC/