Listen

Description

labing limang taon nang SUWAYIN ko ang BATAS ng aking mga magulang,sundan lamang ang bakas ng iniidolo,kahit ga'no pa 'to kataas 'di ko lang ninais ma-abot bagkus ay lumagpas at magka titulo,kaya 'di tumigil sa pag talon na para bang minu-minuto ay bagong taon nang sa gano'n,magtuloy-tuloy ang aking pag laki hanggang tingalain,at sa hadlang wala akong paki sinamantala ko ang bawat NAKAW na sandali dahil alam kong 'di magiging madali kaso inulan ng panghu-HUSGA parang KRIMINAL na merong KASO dahilan kung bakit kadalasan parang may trangkaso pero para gumaling ay nanatiling matatag at sa kanila'y mas napiling LUMABAG now i am SIRIUS BLACK in the AZKABAN of rap,BEHIND BARS & this is my life homie,you decide yours

i'm FREE...i'm FREE... & i don't really care for what you gonn' say about me coz i'm FREE...i'm FREE just do you & i'mma do me!

walang pakialamanan, "you can't please errybody" 'di ko kasalanan kung ika'y inis o iretable 'di ako nanghihingi SA HALIP AY NAGBIBIGAY kahit alam kong walang KAPALIT NA NAGHIHINTAY galing sa'yo NA 'DI MARUNONG SUMUPORTA kaibigan daw pero NUMERO UNONG KUMUKONTRA ayos lang, basta 'WAG MO'KONG DIKTAHAN dahil paborito kong gawin ANG KABALIKTARAN mga kamay ko'y PILIT MO NANG NILUSOT SA PAGKA GAPOS pagkatapos IBIG MO PANG ISUOT AKING SAPATOS? na dati nang wasak AT LAGI LANG TINATAPALAN pero kailanma'y WALANG IBANG TINATAPAKAN 'di ako pilay na may gabay SA DAPAT KONG GAWIN kaya bulag sa utang na loob NA DAPAT TANAWIN panay man ang puna at PAPURI NIYO SA'KIN if i sing,if i dance,i'm DOIN' IT 'CAUSE I CAN

'di ako takot sumubok,mas takot akong hindi sumubok at hinding-hindi ako susuko... ilang beses mang pagtawanan at HINDI PAKINGGAN sisigaw hanggang mabasag ng aking HIMIG ANG PINGGAN tingnan niyo kung pa'no HUMAKOT NG PALAKPAK at ang mga wack na nasa TUGATOG AY LUMAGPAK so throw your hands up 'CAUSE WHEN I DROP THE BEAT DAPAT HUMAWAK KA home run! AKO SI GARY V. KAPAG HUMATAW NA i'll keep on dreamin' & I REALLY DON'T CARE if they been sleepin' on my music,THEY BE HAVIN' NIGHTMARE kasi, ang halimaw ay gising NA AT NAGKULAY BERDE bakal ang kamao NA 'TULAD KAY DUTERTE minsan ay walang PAKUNDANGAN MAG MURA may listahan at kikitil PARA LAMANG MAG BURA ako ay adik sa musika na kahit MA-BATO handang manlaban kahit ikamatay KO PA 'TO