Listen

Description

freek,ako ang dahilan kung bakit nakagawian
na ng inyong mga pinuno ang katiwalian
mga magnanakaw ng ibinabayad mong buwis
na s'yang dapat hulihin ng mga ganid na pulis
mga bantay-salakay sa kaban ng bayan
na kapag kumurap naku sana patnubayan
ka ng diyos ng lubos kasi t'yak 'yan ay ubos
limpak-limpak ang kita sa kickback nitong si boss
na nasa puwesto kunwari may proyekto
aabot sa bilyon na 'pag nayari may depekto
mga naka baro't saya at barong na mandarambong
tuwing panahon lang ng eleksyon nagpaparamdam
agawan sa katungkulang may katumbas na boto
upang makuha 'di mangingiming mangdugas ang loko
hindi para maglingkod kundi magpakasasa't mangamkam
pasa-pasa kaya tanging nagtatamasa ay angkan
pati idolo mong artista ay nakikisabwat at sumasali
mga alisto 'pag nabisto magkakasakit ng samu't sari
pipiliting maitago hanggat maari
ang hindi maideklarang mga pag-aari
kasi galing sa kurakot,mga magkakasosyo
sa politika na ginagawa nilang negosyo
puhunan ang pangakong kailanma'y walang katuparan
"tuwid na daan" ngunit lubak-lubak ang nalakaran
ng bansang ipinagkanuno ng mga hudas na trapo
nagpasilaw sa piso at binalasubas ang trato
matatanaw mo palagi ang impiyerno
sa lugar na kung tawagin ay gobyerno
kaya pilipinas ay lugmok at mamamayan ang naabuso
dahil sa labis na kapabayaan ng mga tuso
halos ikamatay ang hanapbuhay 'sang kahig isang tukha
may maidildil lang na asin sa kanin kasi dukha
'di makapag aral,pinagkait ang edukasyon na dapat ay libre
sa kongkretong gubat pangarap 'di mahanap dahil may buwitre
malawak na lansangan ang kanilang tahanan
kung sa'n sa t'wing sila'y tulog dinadaan-daanan
may sakit na malubha hindi mahanapan ng lunas
dasal lang ang kaya,hiling abutan pa ng bukas
'yong iba guminhawa lang ay nagbakasakali
nangibang bansa para magpaalipin sa ibang lahi
kalaban ang lungkot,layo ay milya't 'pag nagkataon
iuuwi siya sa kanyang pamilya ng nakakahon
tuloy itong si juan ang sinapit ay malagim
sa kawalan ng pag-asa ay kumapit sa patalim
kahit labag sa loob natutong hindi pumarehas
walang pakialam kahit ang patutunguhan nito'y rehas
namalagi sa dilim nagaantay ng mabibiktima
inosenteng 'lang magawa pag natangay na ang bit-bit nila
habang lango sa ipinagbabawal na gamot
tanggap niya na kung siya ay hindi mapatawad ng lahat
kaya nakikipag patintero sa batas upang siya'y 'wag dakipin
tangan ang baril sa kanyang kamay na handang kalabitin
hanggang sa merong narinig na pumutok
kwarenta y singko ni hepe na sa leeg niya ay tutok
at dahil sa ilang taon ng pagsasanay ay humusay
ang inasinta sa kalsada'y humandusay...
ibig kong sabihin kahit tawaging salapi man o pera
ako ang sanhi at solusyon sa lahat ng problema
ang buhay ay sugal at kung wala kang pang taya
talo ka sa mga gahaman na lantaran mag daya
kuwarta ang ugat kung ba't merong pagitan
sa mayaman at mahirap minsan bunga ay alitan
kaya ako ay lapitan sa'yong kagipitan
kapitan at gawin mong matalik na kaibigan..
ako ang magbibigay sa'yo ng kapangyarihan 8x