mabagal ang galaw ng lahat ng bagay sa aking paligid
huni ng mga ibon tila musika na puno ng pag-ibig
hangin ay may ibinubulong ngunit 'di mawari ang ibig sabihin
langit nag uutos sa'kin na imahinasyon ko ay paganahin
para sa iba oras ay ginto, pero sa'kin huminto
at sa dulo ng bahaghari ay natagpuan ko ang pinto
patungo sa lugar kung sa'n merong hardin na puno ng mga halaman na namumulaklak
at humahalimuyak na kapag nalanghap mo ang usok magkukusa ka na humalakhak aahhh!
ayaw nang kumilos, at paulit-ulit na naghahanap ng mangunguya
sa pagpapalit ng pwesto ng araw at ng buwan na nagaganap, nakatulala
manhid, 'di na makausap, kusang pumipikit ang mga mata
nakulong ang atensyon sa ibang dimensyon at sumisidhi ang pagtataka at para bang...
MALAPIT NA'KONG MAWALA SA'KING SARILI
'PAG SA MUNDONG 'TO AKO AY NANATILI
PERO 'DI KO NAMAN KAILANGANG MAMIMILI
KAYA TULOY PARIN... LEMME HEAR YA SAY..
I WANNA SMOKE MORE, MORE I WANNA SMOKE 3X
MORE I WANNA SMOKE - MORE I WANNA SMOKE
pakpak ay bumuka at sa paglipad ay malaya na para bang agila
pagaspas ay paspasan, kung nasa'n, 'di ko namalayan na malayo na pala...
ang aking narating, tanawin sa ibaba ay puro nabalutan ng kasamaan
kaya para kong si Peter Pan sa sobrang taas ng paglutang coz i Neverland
kasama ko si Mariajuana habang sa kama si Eba naka higa na
walang saplot sa Paraisong silid at siya ay handang sumabak sa gyera 'pag nagka ganang...
kagatin ang Mansanas, aming pagsaluhan at ubusin ko bilang si Adan
uulit-ulitin lang hanggang kinabukasan dahil 'di lubusan 'to na matandaan
sakay ng pulang kabayo kami'y dumayo sa kabilang ibayo
humayo at nagpakarami, tumitigil lang kami 'pag gagamit na ng banyo
ang paningin ay umiikot na parang nasa chubibo pero hindi nahihilo kakalibot
tama ng dahon na pinino at sa papel ay binilog, inapuyan ng palito ta's hinigop
patayin man ang ilaw paningin ay malinaw, napapaligiran ng mga tala
na nahahawakan, nasa kalawakang payapa, napaka bihira na magambala
manhid, 'di na makausap, kusang pumipikit ang mga mata
nakulong ang atensyon sa ibang dimensyon at sumisidhi ang pagtataka at para bang...
Written & Performed by FREEK:
https://www.facebook.com/noel.freek.aro
Mix & Mastered by Nig/MakatahananRecords:
https://www.facebook.com/LilNigSaballaMKTHNN
https://www.facebook.com/MakatahananMKTHNN/?fref=ts
https://www.youtube.com/channel/UCarkrhvd1CMBZSnqeyqRTHA
LIKE:
Mula Etivac
https://www.facebook.com/MulaETIVAC/