Listen

Description

isang araw kung sa'n ay sobrang MALALIM NA ANG GABI
sa bar,lahat ay nagnanais NA AKING MAKATABI
bawat makasalubong SALUDONG KUMAKAMAY
may nagha-hi meron din SA DULONG KUMAKAWAY
mga gangstas,hustlas at BABAENG NAG SESEKSIHAN
na gustong makalapit dahilan KUNG BAKIT NAGSISIKSIKAN
nagpapa init palang ng bara bilang ORASYON PARANG SISILABAN NA
pag sulyap sa rolex nakitang ORAS NA PARA SA SEREMONYA
kaya kasabay ng hiyawan at PALAKPAKAN NA MASIGABO
kumuha ng mikropono't TINAPAKAN ANG ENTABLADO
sa tunog na banayad ang daloy parang HAMPAS NG ALON
makikita sa kanilang pag tango-tango ANG PAG SANGAYON
sa kung ano man ang sinasabi NG AKING MGA LETRA
dahil kilalang manunulat NA LAGING NAKA TETRA...
HYDROCANNABINOL,at nagpapa iyak ng mga rapper
na pag dating sa komedya AY PRO MALA PIDOL
matapos ang sampung minuto ay ANDO'N NA SA LAMESA
kahalubilo ang mga tanyag AT PUNO NG SERBESA
sa pagod at kalasingan MATA KO'Y NAPAPIKIT
hindi rin nagtagal AT AKO'Y NAKAIDLIP,pero bakit...

PARANG NANANAGINIP LANG AKO3X/AT ANG LAHAT NG 'TO AY HINDI TOTOO/

tapos nagising sa 'di ko kuwarto may chick na NAKA DE-KUWATRO
may pusturang nagmistulang litrato NA KINAKUWADRO
ako'y nagbihis parang may LAGNAT NO'NG PAGBABA 'KO
'di sinintas ang chucks dahilan KUNG BA'T NADADAPA 'KO
at lumabas ng bahay baGAMAT NAGTATAKA 'KO
dahil nakatingin sa'kin ang LAHAT NG MGA TAO
sabay sakay sa auto may KAGAT PA NA TABAKO
susi ay hinugot,harurot ATAT NA MAGTRABAHO
dumating sa studio at sabi "WHAT UP,KAMUSTA?"
naka-sag ang pantalon kasi puno ang LAHAT NG BULSA
isang oras lang pumatak ang pang ubos ng mga wack
pawis ay tagaktak ang bagong track AGAD TAPOS NA
pag ubos ng 'sang case na beer napunta ANG SESYON SA BANYO
pag suka nagsipilyo,deretso SA ISTASYON NG RADYO
upang kapanayamin TUNGKOL SA AKING KASIKATAN
maging inspirasyon sa iba BAKA SAKALING PAGSIKAPAN
paglipas ng dalawang oras NASA LOOB NA NG TSIKOT
pinag maneho ng iba KASI TAOB NA SA LIKOD
sa pagod at kalasingan MATA KO'Y NAPAPIKIT
hindi rin nagtagal AT AKO'Y NAKAIDLIP

TALAGANG NANANAGINIP LANG AKO3X/AT ANG LAHAT NG 'TO AY HINDI TOTOO/

dahil nang muling magising NARATING AGAD ANG REYALIDAD
lugar na dapat unahin at HARAPIN LAHAT NG PRAYORIDAD
kasi ang hiphop ay parang balon at ANG KASAGANAHAN MAHIRAP SALUKIN
at maraming pinto ng balakid NA NASA DAANAN ANG DAPAT PASUKIN
tipong kailangan mo munang kumayod para pag sahod AY MAY PAMASAHE
sa biyahe papuntang gig nang maparinig at mahatid ang DALA NA MENSAHE
kaya bumangon sa papag,naligo AT NAGHANDA PARA SA ALMUSAL
na sinangag,tuyo at kape AT DALAWANG PIRASONG PANDESAL
rinig ang sigaw ni inay na "noel bawal ang makupad KUNG POBRE KA"
kaya nagmamadaling sumakay ng jeep patungo SA PABRIKA
na pinapasukan,at dahil naipit sa trapik AY LATE DUMATING
lagot katakot-takot na sermon nanaman ang inabot ANAK NG PATING
tanging pangarap ang baon para sa maghapon na PAGBABANAT NG BUTO
'di alintana ang pagod at makaka ahon din PAG NALABANAN KO 'TO
bugbog ang katawan sa o.t. GABI NA NAKA UWI
'di maipinta ang mukha at LABI NA NAKA NGIWI
nag hapunan at nangutang NG 'SANG BOTE NG GIN
kasi kesa magreklamo MAS MABUTING MAG CHILL
sa pagod at kalasingan MATA KO'Y NAPAPIKIT
hindi rin nagtagal AT TULUYANG NAGHILIK

SANA'Y 'DI NA'KO NAGISING3x/AT BAKA DO'N AY MAS MALAYO PA ANG AKING NARATING/