Listen

Description

umiiyak ka nanaman... at nagdaramdam... lagi nalang ganyan
ganun parin ang dahilan... siya na walang ibang alam... kundi ika'y saktan
pisikal man o emosyonal, sugatan kang iniiwan at 'di masolusyonan
nangingibabaw ang kat'wiran na mahal mo siya
kaya pagtiisan nalang ang iyong naging pasya
ayokong tawagin ka na martir o tanga
pero dapat magtanda at mag-retiro ka na
sa pagiging masokista sanay ba talaga?
dahil alam mong 'di niya alam ang tunay mong halaga (bat hindi nalang kasi...)
ibaling ang tingin sa 'tulad kong matagal na sa'yong may pagtingin
na ang tanging hangarin ay ang mahalin at habambuhay ka na lambingin, o 'di kaya'y...

pakinggan mo ang pintig ng dibdib ko nang malaman
na ang sinisigaw nito'y wala nang iba kundi ang iyong pangalan
at para marinig mo ng maigi iyong tutukan
halika dito tayo sa higaan, yumakap at ito'y gawin mong unan

gabi ay malamig pa naman at sakto kabilugan ng buwan
buklatin natin ang kumot upang tabunan ang ating mga katawan
haplos ng aking kamay sa iyong buhok habang nasa bisig ko
ay paraan din para sa'yo'y sabihin ko na ligtas at protektado ka sa piling ko
pawiin natin ang hapdi sa pamamagitan ng halik na may pananabik...
na makasama ka, siguradong ang ngiti sa'yong mga labi ay muli kong maibabalik
hayaan lang maging reyalidad ang pantasya ko
ipapadama sa'yo ang importansya mo
kung nagawa ka niyang gaguhin, papakita ko kung pa'no ka dapat tratuhin (subukan mo lang kasing...)
ibaling ang tingin sa 'tulad kong matagal na sa'yong may pagtingin
na ang tanging hangarin ay ang mahalin at habambuhay ka na lambingin, o 'di kaya'y...

pakinggan mo ang pintig ng dibdib ko nang malaman
na ang sinisigaw nito'y wala nang iba kundi ang iyong pangalan
at para marinig mo ng maigi iyong tutukan
halika dito tayo sa higaan, yumakap at ito'y gawin mong unan

tawag ka lang ano'ng oras man naisin
darating ako kahit pa bagong gising o inaantok, biglang kakatok...
sa iyong pintuan kaya agad mong papasukin
tutulungan kitang maka limot sa'yong kahapon...
ngayon pwede bang makalikot ang mundo mong wasak...
kukumpunihin, bubuoin para bukas magpatuloy sa pag ikot
ang sariwang hangin na hatid ng awitin ko
ay langhapin ng puso mong paralitiko...
at naghihingalo kaya damdamin ay natigok
sabayan ng usok, ibalik ang pag tibok
para tamaan kung ikaw ay nag mintis sa pag pili
at maisip takasan na imbis manatili
mugtong mga mata mo ay kusang pipikit
malagkit na tingin ko'y subukang dumikit...
sa iyo, hanggang sa mahimbing
masalimuot na ala-ala ay ilibing
para matanto ang tunay na pag-ibig
damahin mo ang tahimik na paligid at...

Written & Performed by FREEK
https://www.facebook.com/noel.freek.aro
https://www.facebook.com/FilipinoReal...
Mix & Mastered by Nig
https://www.facebook.com/LilNigSaball...
@ Makatahanan Records
https://www.facebook.com/MakatahananM...
Mula Etivac
https://www.facebook.com/MulaETIVAC