Listen

Description

SALAMAT SA PAG-IBIG MO
Written by: Jeroel Maranan
Performed by: Jeroel Maranan
June 18, 2014

Mula sa langit, dumating Ka sa lupa
Pinakita Mo sa amin, ang buhay na walang kasalanan
Itinuro Mo sa amin, ang tunay na pagmamahal
Dito ko nalaman, ang aking pagkukulang

Mula sa langit, Ika'y nagpakumbaba
Tinanggap ang parusa, na dulot ng aking mga sala
Tiniis ang pasakit at lahat ng kalungkutan
Upang aking makita kung gaano Mo ako kamahal

Diyos na gumawa ng lahat
Ay Siya ring binigay ang lahat
Upang ako ay maligtas

O Diyos, salamat sa pag-ibig Mo
Wala nang mas hihigit pa
Walang hahanapin pa
O Diyos, salamat sa pag-ibig Mo
Aking buhay na Iyong niligtas
Sa Iyo lamang itataas
Maghari Ka, O Diyos, sa aking buhay

Mula sa langit, bumaba Ka sa lupa
Inialay ang buhay, kapalit ng aking kamatayan
Tinupad ang pangakong sa'Yo'y may buhay na walang hanggan
Muli Kang nabuhay, at kaligtasa'y ganap

Diyos na gumawa ng lahat
Ay Siya ring binigay ang lahat
Upang ako ay maligtas

O Diyos, salamat sa pag-ibig Mo
Wala nang mas hihigit pa
Walang hahanapin pa
O Diyos, salamat sa pag-ibig Mo
Aking buhay na Iyong niligtas
Sa Iyo lamang itataas
Maghari Ka, O Diyos, sa aking buhay