Listen

Description

Ang kuwentong ito ay tungkol sa tunay na pagkakaibigan ng dalawang sundalo na nakipaglaban noong Unang Digmaang Pangsandaigdigan (WW1).Sa kalagitnaan ng mabagsik na bakbakan, nakita ng sundalo ang kanyang kaibigan mula pagkabata at kasama niya sa serbisyo na nabaril. Nakita niya itong natumba sa barikada na ilang metro ang layo sa kanyang pinagtataguang hukay.Kinabahan nang husto ang sundalo at matindi niyang pinagpuputok ang kanyang sandata sa pinanggalingan ng putok na panig ng mga kalaban. Kasabay nito ang nakakabinging pagsabog sa harap ng kanilang barikada. Nagliparan ang naglipanang mga bala mula sa mga baril ng mga kalaban na dumaan sa ibabaw ng kanilang mga helmet.Nanatili sa isip ng sundalo ang nakita niyang pagkakatama ng kanyang kaibigan. Kasa-kasama niya ito na nagpaalam sa kanila upang manilbihan sa digmaan. At kagaya ng kanilang nakasanayan na palaging pagsasama, nagsabay din silang nagpalista sa hukbo-militar at iisang batalyon ang nakapuntahan nilang pareho. At maging sa misyon na nakaatasan sa kanila, magkasama pa rin sila.Sa walang pag-aalinlangang boses, sinabi ng sundalo sa kanyang tenyente na nakakataas sa kanya, “Susulong ako diyan sa lupang pinag-iwanan (no man’s land) at aking kunin ang kaibigan ko!”Walang humpay ang mga balang bumabagsak sa mga hukay na taguan sa kapaligiran nila dahil sa walang hintong pagpapaputok ng kanilang mga kalaban sa kanilang pinagtaguan.Listen to the podcast for the full story