Ika 16 ng Disyembre, 2021, sa White House ng Washington DC sa Estados Unidos, naigawad ngayong araw na ito ang Medalya ng Karangalan (Medal of Honor) kay Sergeant First Class Alwyn C. Cashe. Ang parangal na ito ay siyang pinakamataas na dekorasyong militar na iginagawad sa isang nanilbihan sa puwersa militar at depensa ng Estados Unidos. Ini-abot ang karangalang ito ni Presidente Biden na nagwikang: “Si Alwyn Cashe ang idolong sundalo – isang mandirigmang talagang sumuot sa apoy para sa kanyang mga kasama.” (“Alwyn Cashe was a soldier’s soldier – a warrior who literally walked through fire for his troops.”)Si Alwyn Cashe ang kauna-unahang Aprikano-Amerikano na kasapi sa hukbong militar na nabigyan nitong pinakamataas na parangal sa digmaan mula sa mga pangyayaring kaugnay ng ‘9/11’ (Setyembre 2001). Ang kilalang taguri na 9/11 ay petsa na ika 11 ng Setyembre, 2001 DALAWAMPUNG SIGLO AT ISA kung kailan isinaganap ng mga terorista ang kahindik-hindik na pagwasak na terorismo sa New York. Pinaguho nila ang dating New York Tower sa pamamagitan ng pang hi-jack nila sa himpapawid ng eroplanong pampasaherong naglalakbay at ibinangga nila ito sa gusali. Ang digmaang terorismo ay kakaiba sa mga marami nang mga digmaang naganap sa mundo. Sa araw ng tinawag na 9/11 ay naglalarawan lamang kung gaano kapanganib ang digmaang ito na sa panahong nangyari ito ay matagal nang nagaganap sa mga bansang muslim sa pagitan ng mga bansa sa kanluran at mga bansa sa gitnang Asya.BUOD NA GUNITA KAUGNAY NI SARHENTO CASHE:Hilung-hilo na nagulat si Sarhento (Staff Sergeant) Douglas Dodge at bumaliktad ang pakiramdam niya sa kanyang dibdib at tiyan. Isang hindi napaghandaan na dinamita sa gilid ng daan ang siyang pumutok na nagtaas at nagtilapon sa kanya at ang kanyang mga kasamang sundalo. Naipit sila sa bubong ng kanilang armadong behikulo. Kababalik lamang ang kanyang malay sa mga segundong iyon. Sinikap niyang lumayo sa behikulo subalit ang kanyang mga kasama ay naiipit pa rin sa loob ng kanilang sasakyan na noon ay lumiliyab na sa apoy. Sa sandali ring iyon, biglang dumating si Sargeant Cashe, ang platoon sergeant ng Company A na nakasakay noon sa harap ng Bradley Fighting vehicle. Mayroon siyang helmet, body armor at nakabota. Ang kanyang unipormeng ‘camouflage’ ay basa na sa petrolyo at lumiliyab na rin.“Dodge!” sumigaw si Cashe. “Nasaan ang mga kasama?”Anim na beses na pumabalik-balik si Cashe sa behikulong nasusunog na noon upang saklolohan niya ang kanyang mga kasama.ANG PANGYAYARI:Ika 17 ng Oktubre 2005 (DALAWAMPUNG SIGLO AT LIMA) noon. Ang mga sundalong Amerikano na nakasama sa kampo na Forward Operating Base Mackenzie, ay naatasang magsagawa ng pagmamatyag, o misyon na ‘reconnaisance’. Kinailangan nilang magpatrolya at mag-obserba sa paligid. Kasapi sila sa Unang batalyon ng panlabing limang rehimenteng impanterya sa ilalim ng pangatlong dibisyon ng impanterya (1st Batallion, 15th Infantry Regiment, 3rd Infanty Division). Nautusan silang naipadala sa kampong iyon noong Enero ng 2005 (DALAWAMPUNG SIGLO AT LIMA).Dati nang kilala sa pangalang FOB Pacesetter sa bahaging norte ng Ilog na Tigris ang Forward Operating Base Mackenzie. Ang kampong ito ay nasa siyudad na Samarra ng Iran at humigit kumulang ito sa isang daan dalawampu’t limang (125) kilometro sa norte ng Baghdad. Ang bagong pangalan noon ng kampo ay nahango sa pangalan ni Ronald S. Mackenzie, isang ‘cavalry colonel’ sa kasaysayan na naugnay sa mga nakaraang pangangampanya sa mga bago at mga ligaw na lugar.. Listen to the podcast for the full narrative