Listen

Description

Hacksaw Ridge, ito ay isang pelikulang dokumentaryo na nagtamo ng maraming nominasyon at parangal atnaging bantog sa takilya noong 2016. Ang pelikulang ito ay naibatay sa isang nabubukod tanging sundalo at dinirihe ng kahanga-hangang direktor na si Mel Gibson.Kaninong buhay at sa anong pangyayari nga ba ibinatay ang pelikulang ito.? Ito ang paksa ng ating kuwento sa bahagi ng seryeng Kuwentong Pilipino sa Tagalog at Ilocano, Season 5, pang-apat na episode.Isang sundalong-mediko noong Ikalawang Digmaang Pangsandaigdigan si Desmond Dos. Isa siyang kabataang sabatists (kasapi sa Paniniwala na Sabadismo o ‘7th Day Adventist’) na nagligtas ng maraming buhay at ni minsan ay hindi siya pumatay ng kahit isa sa panahon ng digmaan. Hindi siya humawak ng sandata. Sa naisagawa niyang kadakilaan, ang tanging armas lang niyang dala ay ang kanyang Bibliya at ang kanyang mataimtim na paniniwala sa Diyos.Noong ika-12 ng Oktubre, 1945 MIL NUEBE SIYENTOS KUWARENTA’Y SINGKO, kinamayan ni Presidente Harry S. Truman si Korporal Desmond Thomas Doss at hindi niya binitawan ang kamay ng sundalo habang kanyang ibinasa ang pangyayari na naging sanhi na iginagawad niya sa kanya ang parangal. “Maipagmamalaki ka,” wika ng presidente kay Desmond. “Sadyang tunay na nararapat na maigawad sa iyo ito. Kung tutuusin, mas malaking karangalan ito sa akin kaysa aking pangangatawan bilang presidente na bayan.”Sa bilang nga humigit kumulang noon na labing anim (16) na milyong sundalo at mga taong napapunta sa serbisyo para sa Ikalawang Daigmaang Pangsandaigdigan, bumilang lamang ng 431 (APAT NA RAAN AT TATLUMPU’T ISA) ang naparangalan ng nasabing parangal. Mahigit sa tatlong taon na ang nakaraan noon ang araw na iyon mula sa unang araw ng Abril, 1942 (MIL NUEBE KUWARENTA’Y DOS) na sumapi si Desmond Dos sa depensa-militar ng Estados Unidos.Matindi ang napagdaanan ni Desmond na karanasan na naging dahilan kung bakit siya nabigyan ng parangal. Ang mga araw na iyon ay nadagsaan ng mga masasalimuot na mga harang at mga hamon. Nagsimula ito noong sumabog ang digmaan at sinalakay ng mga Hapon ang Pearl Harbor sa Hawaii, na pinakamalaking kuta ng Armadang Amerikano sa Pasipika. Kasalukuyan noon na si Desmond ay empleyado ng Newport News Shipbuilding & Drydock Company at nagtrabaho siya sa isang departamento na pagawaan ng bapor sa Newport News Naval sa estado ng Virginia, Estados Unidos. Dahil masidhi ang hangarin niyang manilbihan sa bansa, nagpalista siyang magsilbi sa militar. Nagsanay siyang maging Army combat medic o manunungkulan siyang mediko na maipapasama sa mga sundalong makikipaglaban sa digmaan. Siya’y napapunta sa kompanyang impanterya na hahawak ng riple (‘infantry rifle company’).Masidhi ang paniniwala ni Desmond sa salita ng Diyos. Sagrado sa kanya ang anuman na may buhay. Dahil dito, hindi niya tinanggap ang humawak ng anumang sandatang gamit na pampatay. Dahil sa kanyang pagmatigas na hindi siya hahawak ng baril o sandata, ay siyang pinagsimulan ng hindi pakikisama ng mga ibang sundalo sa kanya. Ito rin ang naging dahilan na pinakitaan siya ng mga hindi mabuting mga pag-uugali ng mga ito sa kanya. Kinutya, linibak at pinulaan siya. Harap-harapan siyang minamaliit at sinasabihang may diperensiya siya sa utak. Mayroon pang isa na nagbanta sa kanya sa isang panahong sila ay nasa baraks. Sinabi nito kay Desmond na pagdating na pagdating nila sa paglalabanan, ay sisiguruhin niya na hindi makakabalik pauwi si Desmond.Listen to the podcast for the full narrative.