Listen

Description

Sa publikasyon ng pahayagang London Gazette noong Martes, IKATLO ng Oktubre 1944, nailahad ang papapagawad ng Krus ni Victoria (Victoria Cross- VC) sa sundalong si Agansing Rhai. Kasama sa artikulo ang salaysay ng kaganapan na naging dahilan kung bakit siya pinarangalan.“Ikinalulugod ng Hari na patibayin ang kanyang pagsang- ayon sa parangal na Krus ni Victoria na maibigay kay Bilang ANIM-TATLO-DALAWA-ISA- SIYAM (63219) ‘Rifleman’ o Tagabaril Agansing Rai, ng “Ikalimang Riple ng Gurkha na nanininlnihan sa Hari – Puwersang Unahan (5th Royal Gurkha Rifles-Frontier Force), ng Militar ng India.” – linagdaan noong ika LIMA (5) ng Oktubre, 1944. (Mula sa Opisina ng Digmaan /War Office). Sa mga huling araw ng Hunyo 1944, ang ika-LABIMPITUNG dibisyon ng militar ng India (17th Indian Division) ay kasalukuyan pa noong nakikipag-laban sa Bishenpur ng Timog-Kanlurang bahagi ng siyudad na Imphal. Ang siyudad ng Imphal ay siyang pangunahing siyudad ng estadong Manipor na bahagi ng India. Ito ay mahalagang pagdadaanan para sa mga suplay at iba-iba pang mga kakailanganin at parang landasin lamang na naipit sa mga bundok na kinalikawan niya. Ito ay papuntang Silchar na distrito ng estado ng Assam ng India. Matindi pa rin ang bakbakan sa mga kabundukang ito noon. Naipabalikat sa mga mandirigmang nasa grupo ng PANG LIMANG GURKHA (5th Gurkhas) ang paghadlang at pampahinto sa mga masigasig na.panlulusob ng mga Hapon sa lugar ng Imphal. Kapag mapagwawagiang agawin ng mga kaaway ang Imphal, magiging madali na lamang na makalusot ang mga ito papuntang India. Hawak noon ng mga Gurkha ang daang Bishenpur-Silchar na siyang lugar na kinaganapan ng malaking digmaan.Noong ika BEYNTE KUWATRO (24) at BEYNTE SINGKO (25) ng Hunyo MIL 1944, sa Burma, pagkalipas ng mabangis na labanan, nabihag ng mga kaaway na Hapon na noon ay may malalaking puwersa ang dalawang posisyon na tinawag na “Water Piquet” at “Mortar Bluff.” Natutunghayan ng Water Piquet ang Mortar Bluff na humigit kumulang sa dalawang daang yarda lamang ang kalayo mula doon. Nagsusuportahan sa bawat isa ang dalawang posisyong ito kaya kinailangang pareho silang mabawi.Sa kanlurang gilid ng mga posisyong ito ay masukal na kagubatan. Subalit sa kabilang gilid nila ay patag na tuyot at paakyat papunta sa dalisdis. Ang huling walong daang yarda ay maliwanag na kitang-kita ng mga kaaway. Bago ng kanilang kinaroroonang posisyon ay burol na harang kung kaya nag-iisa lamang ang kanilang maaring daanang entrada. Ang lugar ay lantad sa mata ng mga kaaway at labis na mapanganib para sa sinumang tatawid doon papunta sa target nilang posisyon. Anumang galaw o panlulusob ay kitang kita at sinumang aakyat sa walumpung yardang madulas na dalisdis ay mapapaglaruang pagbabarilin lamang ng mga kaaway bago pa man ito makarating sa ibabaw. Please listen to the podcast for the full story.