Listen

Description

Isang magiting na may pambihirang lakas ng loob at tibay ng damdamin si Bhanubhakta Gurung. Siya’y naparangalan ng Krus ni Victoria (Victoria Cross) na galing kay Haring Jorge VI ng Britania sa Palasyong Buckingham dahil sa kanyang isinagawang pagbihag at matagumpay na pakikipaglaban na nagsosolo sa isang napakalakas na puwersa ng kalaban na matatag nang nakapuwesto sa hukay na taguan.Naipasakamay sa kanya ang parangal noong ika 5 ng Marso, 1945.Kabilang si Bhanubhakta sa mga Ghurka na galing sa tribung Gurung. Isa ang tribung Gurung sa dalawang pangunahing tribu sa nasyon ng Nepal na pinanggagalingan ng mga nanilbihan sa puwersa na may hawak ng riple noong Ikalawang Digmaang Pangsandaigdigan.Naipanganak si Bhanubhakta sa pook ng Phalpu na nasa burol sa distrito ng Gorkha na nasa Kanlurang bahagi ng Nepal. Sumali siya sa puwersa militar bilang gurkha noong 1939-1940.Nagkakaedad siya noon ng 18 noong siya’y nagpalista. Nagsimula si Bhanubhakta sa serbisyo sa ikatlong batalyon ng pangalawang pangkat ng mga may hawak ng riple na Gurkha (Gurkha Rifles) ni Haring Edward VII. Bahagi ito ng puwersa militar ng India na sa mga panahong iyon ay pinapamahalaan pa ng Britania bilang kolonya niya sa ibayong dagat.Naisali ang grupong ito sa mga espesyal na operasyon ng digmaan na naiutos na dapat isaganap ng napagsamang puwersa militar ng Britania at India sa Burma noong 1943. (Ang bansang Burma ay nagpalit na ng pangalan at kilala ngayon bilang Myanmar.) Binabansagan noon ang mga grupong naatasang magsaganap sa mga operasyong taktikal ng Chindit. Sa mga operasyong iyon noon, ang puwersa sa kampanya ng digmaan ay binubuo ng TATLONG LIBONG (3000) piling pili na mga sundalo. Kinailangan noon na ang mga ito ay napatunayan na ang kabigat at katigas ng kanilang karanasan sa pakikipagbakbakan. Sa panahong iyon, malakas nang nakapuwesto ang mga Hapon sa Burma. Ang misyon noon ng grupong ito na kinabilangan ni Bhanuhakta ay ang lihim na pagpasok sa likuran ng mga hanay ng puwersang Hapon. Pinamunuan noon ni Brigadier Orde Wingate ang nasabing operasyong lihim na paglusob ng mga sundalong taga Britannia.Bago naganap ang enkuwentro na naging daan ng kanyang pagtamo ng parangal, napababa noon ang ranggo ni Bhanbhagta dahil sa kasong ‘pagpapabaya ng tungkulin’ pagkatapos siyang pinagbuntunan ng sisi sa pagsalakay ng maling bundok na ikinagalit nang husto komander ng batalyon. Sa bandang huli napagtanto na sumunod si Bahanbhagta ng utos ng komander ng platun na nasa itaas niya na siyang nagbigay sa kanya ng maling target.Nangyari ang bakbakan na namag-patunay ng namumukod na katangian ni Bhanbhagta noong naglakbay ang ika labing apat (14th) na militar papunta sa lugar ng Mandalay sa gitna ng Burma. Ang naitakda noong gagampanan ng ika-dalawampu’t limang (25) dibisyon na kinasaniban ng mga Gurkha ay kinailangan na magsaganap sila ng pakikibakbakan sa playa ng Arakan sa mababang bahagi ng Burma. Dumaong ang ikatlong (3rd) batalyon na kinasapian ni Bhanubhakta sa lugar na Ru-ywa bilang dibersiyon mula sa opensibong pananalakay ng IKALABING APAT (14th Army) na Armi ni Heneral Sir William Slim papuntang Mandalay at umabanse sa Irrawaddy na ang daanan nila ay ang An Pass. Lumusob silang pumaakyat sa mataas na puesto sa bandang silangan ng lugar na Tamandu. Pook ito sa distrito ng Kyaukpyu na nasa pinaka- kanlurang bahagi ng Burma. Kung mabibihag nila ang lugar na iyon, makakatulong ito sa puwersang Britania na makarating sa Irrawaddy na tatawid sa bundok na tinawag ng An Pass.Listen to the full story on podcast or audio.