Kabilang sa tribung Ghale na bahagi ng lahing Gurung sa Nepal si Gaje Ghale. Isinilang ito sa pook ng Barpak sa distrito ng Gorkha si Gaje noong unang araw ng Agosto MIL NUEBE SIYENTOS DIYES Y OTSO (bagaman sinabi niya na ika a-UNO ng HULYO ang petsa ng kanyang kapanganakan. Noong taong MIL NUEBE SIYENTOS TRENTA’Y KUWATRO. nagpalista siyang batang bagong kaanib. Noong matapos ang kanyang pagsasanay, sumapi siya sa ikalawang batalyon, panglimang grupo ng Riple ng Gurkha Para sa Hari- pangunang puwersa (2nd batallion, 5th Royal Gurkha Rifles – Frontier Force). Nanilbihan siya sa Waziristan, rehiyon ng probinsiyang Khyber Pakhtunkhwa sa bansang Pakistan. Mula MIL NUEBE SIYENTOS TRENTA’Y NUEBE hanggang MIL. NUEBE SIYENTOS KUWARENTA’Y DOS, nagtrabaho siyang tagasanay o tagaturo ng sentro ng rehimente sa Abbotabad sa Pakistan. Noong ika – BEYNTE KUWATRO ng Mayo, MIL NUEBE SIYENTOS KUWARENTA’Y TRES (1943), mayroon noong isangmalakas na puwersang militar ang mga Hapon na naghahangad na makarating sa Chin Hills. Masukal na kabundukan ang lugar na ito sa norteng patimog ng Burma (myanmar na ngayon). Isiniguro noon ng mga kaaway na Hapon ang kanilang posisyon sa bundok na tinawag na Basha East Hill dahil mahalaga ito upang makapunta ang kanilang malaking puwersa sa Chin Hills. Kinailangan ngayong maagaw LABIMPITUNG (17th) DIBISYON ng mga Indiano na kinabibilangan noon ni Gaje, ang Basha East Hill mula sa kamay ng mga kaaway. Ang puwersang Hapon na kinailangan nilang harapin noon ay ang pang-tatlumpu’t tatlong dibisyon.Ang Basha East Hill ay bahagi ng daang Tiddim (Tedim) Road na may haba na DALAWANG DAAN ANIMNAPU’T LIMANG (265) kilometro. Landas noon itong namag-ugnay ng siyudad ng Imphal sa India at Chin Hills sa kanlurang bahagi ng Burma. Iyong aakyatan noong lugar patungo sa posisyon ng mga Hapon ay mahabang tagiliran ng dalisdis. Ang ibang bahagi nito ay may sukat na labinlimang talampakan (15 ft) lamang ang kanyang kalapad. Dalawang beses na noong tinangka ng kanilang batalyon na bihagin ang lugar subalit hindi sila nagtagumpay. Kinayan silang pinaulanan ng bala at mga paputok ng masinggan ng mga Hapon kasama na ng artileri at mortar sa bandang makubling bahagi ng kagubatan.Sa sitwasyon nila noon sa basha East Hill sa buwan ng Mayong iyon, malaki na ang nawala sa puwersa ng dibisyon nina Gaje. Ngunit upang maharangan nila ang pag-abanse ng mga kaaway na malaking puwersa papuntang Chin Hills, kinakailangan nilang maagaw ang Basha East Hill mula sa mga Hapon. Datapwa’t unti-unti na sila noong nauubos, naatasan si Gaje na maging ‘acting havildar’ at gumanap na pansamantalang sarhento ng grupo.Please listen to the podcast for the full story.