ANO ANG GURKHA AT SINO SILA?Ang mga Gurkha o Gorkha ay sundalong katutubo ng Timog- Silangan ng Asya (Southeast Asia). Sila ay mga tribung mamamayan ng bansang Nepal at nanilbihan sa puwersa-militar ng Britania sa ilalim ng tatlong dibisyon: Militar ng Nepal, Militar ng India at bilang kasapi ng puwersa ng Singapore. Kilala na ang mga Ghurka/Ghorka na bahagi ng puwersa ng Britania sa laon ng mahigit kumulang sa dalawang daang (200) taon at sila’y naging bantog bilang “Pinakamatapang sa Lahat ng mga Matatapang” (Bravest of the Brave).Noong Ikalawang Digmaang Pangsandaigdigan, kinatatakutan noon ng mga tao ang puwersa ng Imperyong Hapon. Bantog sila sa masidhing pagkabalasik ng mga sundalong Hapon na pumatay at nakakakilabot ang kanilang kalupitan. Subalit sa kabila ng kanilang karahasan at katapangan, kinasisindakan ng mga Hapon ang mga mandirigmang Gurkha.“Sa tradisyon ng mga Gurkha sa militar, kung tungkol sa kanilang pag-eensayo at kung tungkol sa katindi at kalakas ng kanilang loob ang pag-uusapan, ang mga Gurkha ay nabubukod- tangi. Naisasagawa nila ang mga bagay sa labanan na kakatwa sa mga ibang mga mandirigma. Mga bagay-bagay ito na hindi naiisip o malayong naiisip ng mga iba maging iyong mga sanay na sa labanan at napatigas nang mga beterano sa bakbakan.Nakikipagdigmaan ang mga Gurkha na kakaunti lamang sila kahit pa dagsa ang kanilang mga kaaway; nakikipaglaban sila kahit kakaunti ang kanilang mga sandata; itatayo nila ang kanilang posisyon na humarap sa mga kakatwa at imposibleng mga hadlang at malimit na sila ang natitirang matibay na nakatayo at umaani ng tagumpay.Isa sa mga salaysay na makakapatunay sa kagitingan at katapangan ng Gurkha ay ang pangyayaring naganap tungkol kay Lachhiman Gurung sa Burma.Gabi noon ng petsang ika-labing dalawa (12) ng Mayo sa pook ng Taungday sa Burma noong biglang linusob ng dalawang daang (200) Hapones ang base militar ng lupon na kinabibilangan ni Lachhman Gurung.Ang kanyang kinaroroonang hanay ay siyang nangungunang umaabanse. Doon sa kanilang pinagtaguang mga hukay na may mga barikada, sunod-sunod ang pumuputok na apoy tungo sa kanila mula sa mga baril ng mga kaaway nilang Hapon. Kaalinsabay ng mga paputok ang mga granadang ibinato ng mga kaaway sa sulok na pinagkublian nila. Agad na pinulot ni Gurung ang dalawa sa mga naibato sa kanilang mga granada at pabalik niyang inihagis ito sa kadiliman na kinaroroonan ng mga dalawang daang (200) kalabang Hapon.Listen to the podcast or audio for the full account.8