Listen

Description

Part 12 Imperio Romano-Julius Caesar

Labanan sa Brundisium, Massalia at Ilerda

49 BC, Marso BRUNDISIUM

“Noong ika siyam ng Marso (49 BC), nakarating si Caesar sa Brundisium (siyudad ng Brindisi sa pampang ng Calabria sa Karagatang Adriatiko) na ngayon, at nalaman niya na naipadala na ni Pompey ang karamihan ng kanyang armi patawid sa Dagat Adriatiko patungong Epirus sa Gresya. Nakapagpabakwit na rin siya ng maraming mga senador at opisyal na paalis doon at naghihintay siya noon ng sasakyang babalik para silang mga naiwang panghuling sumakay ay tumungo na rin doon. Pinatibay niya nang husto ang pagguwardiya sa siyudad.

Kaagad na kinubkob at binarikadahan ni Caesar ang siyudad at pinasimulan niyang barikadahan ang bunganga ng lawa.

Nagpatayo siya ng pantalan sa magkabilaang panig ng may haba na nagpahanggang sa pinakamalalim na bahagi ng tubig kung saan sila maaring makapagtayo. Nagpagawa siya ng mga balsa na naka-ankla sa kalaliman ng tubig at nakahilera mula sa isang pier hanggang sa kabila. Nagtayo siya ng tore sa mga balsang ito at pinaguwardiyahan niya ng mga sundalo. Sinigurado niyang lahat ng sulok ay walang malulusutan….”

“… siya’y umasa pa rin noon na si Pompey ay aatras at makikipag- ayos ng kasunduan. Nagpadala siya ng mensahe kay Pompey para sila mag-usap ng harapan subalit hindi siya sinagot nito. Magpagayunman, inutusan ni Caesar si Gaius Caninus Rebilus na makipagkita sa isa sa mga tauhan ni Pompey na si Lucius Scribonius Libo at kumbinsihin nito si Libo na noon ay kaibigang malapit ni Rebilus, na mag-organisa siya ng ng pag-uusap nina Caesar at Pompey para hangga’t maari ay maiwasan ang digmaan.

Ang sagot noon ni Pompey ay anumang negosasyong ganoon noon ay imposibleng mangyari dahil wala ninuman sa mga nahirang na konsul ng pamunuang Roma ang naroon upang mapatnubayan nila ang pag-uusap nila.

Tinanggap ni Caesar ang kasagutang iyon ni Pompey na ang katuturan nito ay wala na talagang pagkakataon o pag-asa pa ng usapang kapayapaan. Sapagka’t natanto niya na pinag-isahan na siyang pinagsarhan ng ano mang pakikipag-usap, panindigan niya nang isulong ang kanyang pakikipaglaban.

Kaya lalo na niyang pinabilis ang pagkubkob sa siyudad ng Brundisium….

Ang sasakyang pandagat na hinintay ni Pompey ay bumalik bago natapos ang mga trabahong ipinagagawa ni Caesar na pangbalakid sa pinaglagiang siyudad ni Pompey.

Naging mabagal ang trabaho ng mga manggagawa ni Caesar dahil hindi huminto ang hukbo si Pompey mula sa loob ng siyudad na nagpadala ng mga bapor at mga balsa para guluhin ang mga ito. Kay hindi natapos ang mga trabahong pangharang na pinapagawa ni Caesar bago bumalik ang sasakyan para kay Pompey….”

“…. PAG-ALSA NG SIYUDAD NG MASSILIA

Naglakbay siyang (si Caesar) tungong Hispania subalit naantala siya sa puerto ng Massilia (siyudad na ng MARSEILLES ngayon sa Timog ng Pransiya).

Noong dumating si Caesar doon nakita niyang sarado at naharangan ang malaking pintuan sa pader na pumaikot sa siyudad at batay sa tala ng kanyang intelihensiya, naghanda ang mga mamamayan ng matagalang pagkubkub at nakipag-ayos ng tulong mula sa isang katutubong tribung galit kay Caesar.

Naki-anib na noon ang mga mamamayang Massilia sa panig ng mga Optimates ng Senado na kaanib ni Pompey.

Noong nagkagulo ng pamunuan at senado sa Roma sa Enero, ang mga kabataang Aristokratong Massiliote sa Roma ay pinabalik sa Massilia ng Roma para magdala sila ng mensahe. Noong paalis na sila sa Roma, binigyan sila ng instruksiyon ng senado at kasama si Pompey na sabihin nila sa kanilang pamunuan sa Massilia na nararapat nilang kalimutan nang isipin ang nakaraang kagandahang loob sa kanila ni Caesar…..”

Please listen to the podcast for the full story in this chapter.