Sa nakaraan, nasugpo na ni Caesar ang boong katribuhang katutubo sa Malayong Gaul kung saan siya namalagi bilang pro konsul o gobernador ng dalawang termino magmula taong (50BC). Nai-ayos niya na ang otoridad ng Pamunuang Roma doon at siya’y tinatawag na ng senado at pamunuang Roma at pinapabalik na siya bilang pribadong mamamayan. Pinagbibitiw na rin siyang kumandante ng hukbo ng mga lehiyon na kanyang pinalaki sa Gaul. Tinanggihan ang kanyang hiling na pagkandidatuhin siya bilang konsul in absentia dahil kailangang pupunta siya sa Roma bilang pribadong mamamayan kung gusto niyang kumandidato. Alam ni Caesar na manganganib siya na babalik bilang pribadong mamamayan na wala siyang hukbong suporta. Marami ang magtatangka sa kanyang buhay. May mga pulitiko na gustong magpabagsak kay Caesar dahil sa kanyang panagumpay sa Gaul.
Subalit, noong sabihan siyang bitawan niya ang hukbong tapat sa kanya samantalang si Pompey ay hindi papayag na tiwalagin ang nasa kanyang hukbo, bagkus ay malamang na ipapasa pa ng senado kay Pompey ang pangkalahatang pagka-kumandante, ito ay nagbantang panganib kay Caesar. Ito ay dahil si Pompey ay pumanig na sa partidong republikano ng mga Optimates.
Mula sa kinaroroonan ni Caesar sa Cisalpina, maingat siyang nagbalak at iniwasan niyang mabagabag. Sa kanyang isipan, siya ay naiipit at nasusukol sa pagdesisyon.
Ang pakiwari niya ay hinuhubaran na siya ng oportunidad at karapatan. Walang ibinigay sa kanya ng pamunuan na pamaraang garantiya ng kanyang kaligtasan.
Kung susunod siya sa utos ng senado, buhay niya’y lubusang manganib. Kung sasalungat siya, siya ay tataguriang rebelde na lumabag sa batas. Malalim siyang nag-isip.
Ipinadala niya si Gaius Scribonius Curio sa senado sa Roma para ibigay nito ang kanyang mensahe at ang ipinabalik na kasagutan ay bagay na hindi niya maubos maisip. Hindi lamang tinanggihan ang kanyang proposisyon idineklara na siyang kaaway ng publiko mula a-siyete ng buwan.
Iniwasan niyang magkaroon ng suspetsa ang mga tao na ang hukbong kanyangdala ay mayroong susuungin na maisasaganap. Dala ni Caesar ang isang pangkat ng hukbo na tapat sa kanya, ang Lehiyong Gemina na Panglabingtatlo na nanilbihan sa ilalim niya sa mga labanan sa Gaul. Ang lehiyon niyang ito ay una niyang binuo noong taon ng 57 BC at subok na niyang isa ito sa mga pinakamapagkakatiwalaan at maa-asahang lehiyon sa arming Romano.
Nagpahinga siya at ang kanyang hukbo sa Ravenna, siyudad na daungan at base ng armadang Romano at bandang hilaga ng Ilog ng Rubicon. Pinulong niya ang kanyang mga tauhan at siya’y nangag-usap sa kanila.
Ang katugunan ng mga sundalo ay ang kanilang pangakong manatili silang tapat sa kanya.
Naglakbay sila sa gabi at sa unang gabi minalas sila dahil ang kanilang mga sulo ay namatayan ng siga. Nagkandaligaw ang mga ito hanggang sa lumiwanag at nakakita sila ng isang magsasaka na siyang nagturo sa kanila ng daan. Nakarating sila sa tamang daan at nagpatuloy na sila sa pampang ng Rubicon na kung saan naroon ang kanilang mga naghihintay na kasama.
Tutuloy ba sila o hindi. Kung tutuloy sila, ito’y magiging tanda ng paghimagsik laban sa Roma dahil nasa alituntunin ng Romanong batas noon na ang pagtawid sa Rubicon na may kasamang hukbo ay itinuring na ‘pagtataksil.” Labag ito sa batas ….Kung magpatuloy siyang tumawid sa Italia kasama ng kanyang hukbo, sa kabila na inutusan na siya ng Roma na tiwalagin niya ang kanyang armi at bumalik na siya sa Roma, ito ay ituturing ng Roma na deklarasyon ng digmaan at aksiyon ng pag-aalsa…..
Kapag may digmaan, maraming mga buhay Romano ang masasangkot, mawawasak at malalagas…
Pls listen to the podcast for the whole story in this chapter.